4 na bagong HONDA ADV-150 handog ni Mayor Voltaire Ricafrente sa Rosario MPS ROSARIO, CAVITE!

Posted January 05, 2021


SHARE

Mayroon ng magagamit na bagong motorsiklo ang Rosario PNP matapos na pormal ng ibigay ni Mayor Voltaire Ricafrente ang apat (4) na bagong Honda ADV 150 kay P/Capt. Zacarias Balleber Jr. PCP (Police Community Precint) Commander.

Mula pa noon hanggang ngayon patuloy ang ating pagsisikap na matugunan ang bawat pangangailangan ng ating mga kapulisan.

"Alam ko po na malaki ang maitutulong ng apat (4) na motorsiklo na ito sa ating mga kapulisan para sa agarang pagtugon at aksyon upang ang ating bayan ay manatiling tahimik, masaya, at maunlad", paglalahad ni Mayor Voltaire Ricafrente.

"Maraming salamat po sa pagbibigay na apat na unit ng motor sa Rosario PNP. Ito ay napakalaking tulong sa pagpapanatili ng katahimikan ng bayan ng Rosario. Sa pamumuno ni PLTCOL Jowie B. Lucas ang aming taos-pusong pasasalamat at patnubayan nawa kayo ng Poong Maykapal", pagtatapos ni PCAPT. Zacarias Balleber Jr.

Ginanap ang simpleng seremonya sa Isla Bonita ngayong Enero 4, 2021 na sinaksihan ni Lea Columna, GSO Head at PSSG Maria Lara Bencito, Finance PNCO.

1.jpg

-- #BayangTahimikMasayaAtMaunlad --

-- #JustloVeRosario --

TAGS
ROSARIO HOTLINES

ROSARIO POLICE
ROSARIO MEDICAL
CLINIC
ROSARIO FIRESTATION
WEBSITE VISITORS

  • Today
  • Yesterday
  • This Week
  • This Month
  • 71
  • 141
  • 439
  • 1943
We use cookies to personalize content and to analyze our traffic. Please decide if you are willing to accept cookies from our website.