Araw Ng Mga Guro 2020

Posted September 30, 2020


SHARE

Noong Setyembre 25, 2020 ay ginanap sa ating bayan ang pagdiriwang ng Araw ng mga Guro.

Sa kabila ng pandemyang kinakaharap natin ngayon ay patuloy silang lumalaban, magampanan lang ang tungkuling sinumpaan bilang isang guro. Halos isang linggo na lamang ay umpisa na ng pasukan sa eskwela, kaya naman, mula kinder hanggang sekondarya ay nakapamahagi na tayo ng mga module, bag at school supply sa mga magulang para sa mga mag-aaral ng Rosario.

Dahil sa dedikasyon ng ating magigiting na guro ay nasa mahigit 90 bahagdan (90%) na ang mga natapos na modules kung kaya’t mahigit 18,000 estudyante mula kinder hanggang senior high school ang nabigyan na nito.

Kung anong uri ng kabataan at mamamayan meron tayo ngayon sa ating bayan ay may malaking bahagi ang ating mga guro. Sapagkat kailanman ay hindi sila nagturo sa atin ng mga maling gawi. Kailanman, ang nais ng ating mga guro ay lumaki ang ating mga kabataan na responsableng mamamayan ng ating bayan.

Magiging bahagi ang ating mga dakilang guro sa pag-ukit ng isang pamayanan. Isang pamayanang magtatakda ng kung anong klaseng komunidad ang naghihintay sa ating kabataan sa kanilang paglaki.

Kung tayo ang tatanungin, masasabi nating walang natatanging araw (Teacher’s Day) para sa mga guro. Walang iisang araw para parangalan ang ating mga guro. Bagkus, buong panahon dapat ay araw ng mga guro para dakilain at hindi lamang alalahanin.

Maraming mga kadahilanan kung bakit kailangan nating alalahanin ang kahalagahan ng isang guro. Sapagkat, kailangang malaman nila kung gaano natin pinapahalagahan ang ginagawa nila para sa atin.

“Kung may maituturing na bayani na nabubuhay sa kasalukuyan ay walang iba kundi ang mga guro. Hindi natin matatawaran ang kabayanihan ng mga guro sa paghubog ng ating pamayanan at ng lipunan sa pangkalahatan”, pagmamalaki nina Mayor Nonong Ricafrente at Vice-Mayor Voltaire Ricafrente.

Ang paghubog sa kaugalian ng isang tao sa unang yugto ng paglaki ng mga bata ay nasa kamay ng magulang. Subalit ang mga susunod na panahon ay nagiging katuwang ng mga magulang ang mga guro sa paghubog ng buong pagkatao ng ating kabataan, mula sa pag-uugali hangang sa pagkakaroon ng tamang kaalaman para ihanda ang kabataan sa kanilang pagharap sa masalimuot na buhay.

Sa likod ng pinakamatagumpay na tao ay may isang guro ang tumulong at pumukaw ng interes sa kanyang pag-aaral. Inilalaan nila ang kanilang buong makakaya upang matugunan lamang ang bawat pangangailangan ng isang estudyante.

Maraming salamat po, mga mahal naming GURO!

Happy Teacher’s Day!

TAGS
ROSARIO HOTLINES

ROSARIO POLICE
ROSARIO MEDICAL
CLINIC
ROSARIO FIRESTATION
WEBSITE VISITORS

  • Today
  • Yesterday
  • This Week
  • This Month
  • 71
  • 141
  • 439
  • 1943
We use cookies to personalize content and to analyze our traffic. Please decide if you are willing to accept cookies from our website.