Binisita kanina (Enero 7, 2021) nina S/Insp. Hayceeline M. Obligar, Municipal Fire Marshall at SFO1 Dexter Cabanto, Deputy Fire Marshall si Mayor Voltaire V. Ricafrente. sa Isla Bonita. Sa pag-uusap ay inihayag ni Obligar ang iba't ibang suliranin ng kanyang departamento(opisina) tulad ng sirang bubong at marami pang iba. Agad namang inaksyunan ni Mayor Ricafrente ang nasabing problema na labis na ikinatuwa ng buong opisyal ng Lokal na Kawanihan ng Pagtatanggol sa Sunog sa Rosario,Cavite.