DepEd, Ipinahayag na tuloy na ang Pagbubukas ng Klase sa Oktubre 5, 2020. Paghahanda sa Psycho-social Sessions at Iba Pang Pagsasanay, Plantsado Na!

Posted September 26, 2020


SHARE

Tuloy na ang pagbubukas ng klase para sa SY 2020-2021 sa ika-5 ng Oktubre 2020 sa buong bansa.

Pinaghahandaan na rin ang gagawing psycho-social sessions para sa mga magulang at mga estuyante isang linggo bago buksan ang klase.

Ang learning continuity plan na gagamitin sa new normal teaching approach ay isinasaayos ng Kagawaran.

Ang flexible learning optios ay isinusulong din upang maihanda ang mga guro at mag-aaral. Kanilang paiiralin ang blended learning at distance learning gamit ang online/virtual method, TV, radio at iba pang alternatibo o ang modernized learning program.

Nilinaw at binigyang-diin rin nila ang No Face-to-Face Classroom.

Nagkaroon ng remote enrolment noong ika-1 hanggang 30 ng Hunyo 2020 para sa record searching ng mga estudyante gamit ang survey forms na iniiwan sa mga gate ng bawat paaralan.

Nagkaroon ng extension nito hanggang ika-15 ng Hulyo 2020 at kasalukuyan tumatanggap pa rin ng nais pang magpalista sa pasukang nabanggit. Ipinagbabawal pa rin ang ang mga school gathering sa darating na pasukan.

Nakibahagi rin ang LGU-Rosario sa National Dry Run Program upang tiyakin ang kahandaan ng bawat paaralan sa pagsisimula ng klase na ginanap noong ika-10 ng Agosto 2020.

Itinuloy ang bagong pamamaraan ng Brigada Eskwela sa pamamagitan ng pagdulog para sa donasyon mula sa ating mga kababayan tulad ng laptop/desktop computers, mobile phones, tablets, alcohols, sanitizers at mga pang-disinfect ng kagamitan. Tinawag itong “Oplan: Balik-Eskwela.”

Ang DepEd-Rosario ay nakalinya sa pambansang pagsasanay ng mga guro sa paghahanda ng mga module para sa iba pang pagpipilian ng mga magulang bukod sa online method of learning.

Sinusunod pa rin ang paggamit sa sistemang K-12 Program.

Isinali na rin sa pagsasanay at paggawa ng mga programa at teaching curriculum ukol sa Children with Disability. Ang mental health at health literacy ay binigyang-pansin din na maisama sa Health Education Program. Ang hangganan ng pagpasa ng mga requirement ay itinakda sa ika-31 ng Disyembre 2020.

Samantala, inaabangan pa rin ang IATF Guidelines at Health Protocols kaugnay sa pagpapatupad ng mga kautusan ng Kagawaran,

Walang hindi gagawin ang pamahalaan para sa patuloy na pagbibigay ng kaalaman sa mga estudyante. Anumang handlang ang dumating – tuloy ang laban para sa edukasyon.

TAGS
ROSARIO HOTLINES

ROSARIO POLICE
ROSARIO MEDICAL
CLINIC
ROSARIO FIRESTATION
WEBSITE VISITORS

  • Today
  • Yesterday
  • This Week
  • This Month
  • 71
  • 141
  • 439
  • 1943
We use cookies to personalize content and to analyze our traffic. Please decide if you are willing to accept cookies from our website.