KASALinas

Posted January 21, 2022


SHARE

Nais nyo bang magkaroon ng isang simple ngunit romantikong kasalan upang pagtibayin ang inyong pag-iibigan? Narito na ang inyong pagkakataon!

Ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Rosario, Cavite ay bukas na sa pagtanggap ng mga nais magpakasal sa darating na buwan ng mga puso, Pebrero 2022.

Ang programang ito ay bukas para sa lahat ng taga Rosario na nasa wastong edad ng pagpapakasal. Subalit dahil nasa Alert Level 3 ang probinsya ng Cavite, ang unang 50 pares lamang muna na magpapatala ang aming tatanggapin.

Para lalong patamisin ang inyong samahan, sagot na namin ang 'cake' sa araw ng inyong kasalan. Isang bote ng 'red wine' din ang handog upang pagsasaluhan ng bagong mag-asawa bilang simbolo ng inyong pagkakaisa at pagdiriwang ng habang buhay na pagsasama.

Para sa karagdagang impormasyon, magtungo lamang sa Mayor's Office at hanapin si Lorna Alegre.

TAGS
ROSARIO HOTLINES

ROSARIO POLICE
ROSARIO MEDICAL
CLINIC
ROSARIO FIRESTATION
WEBSITE VISITORS

  • Today
  • Yesterday
  • This Week
  • This Month
  • 51
  • 88
  • 489
  • 1508
We use cookies to personalize content and to analyze our traffic. Please decide if you are willing to accept cookies from our website.