Schedule ng Renewal ng Mayor's Business Permit 2021

Posted December 23, 2020


SHARE

Bilang pagsunod sa protocol ng physical distancing ay nililimitahan lang po ang bilang ng mga maaring magtungo sa BPLO para mag renew ng Mayor’s Business Permit.

SCHEDULE OF RENEWAL PER BARANGAY TAX YEAR 2021

sched1.JPG

SCHED2.JPG

sched3.JPG

sched4.JPG

Ihanda at dalhin ang mga sumusunod na dokumento bago magtungo sa BPLO sa takdang petsa para sa mabilis na pag proseso ng inyong Permit:

1. Barangay Business Clearance (1 original, 1 photocopy)

2. Notarized Sworn Statement of Gross Sales o Kabuuang Benta sa loob ng isang taon. Maaring magtungo sa pinaka malapit na abogado o notaryo publiko para dito (1 original)

3. Quarterly Tax Returns (Vat 2550Q / Percentage Tax 2551Q) or Audited Annual Income Tax Returns, kung ang negosyo ay BIR Registered (1 original, 1 photocopy)

4. Lessor’s Mayor’s Permit, kung nangungupahan (1 photocopy)

5. Market Clearance para sa mga Negosyo sa Public Market (1 original)

6. Fish Port Clearance para sa mga negosyo sa Municipal Fish Port (1 original)

7. Fire Safety Inspection Certificate (original blue copy)

8. Para sa OBO/Engineering clearance

  • Occupancy Permit

9. Para sa MENRO clearance

  • Larawan ng inyong tatlong (3) basurahan may tatak na "Di-Nabubulok", "Nabubulok", "May Pakinabang" sa lugar ng inyong Negosyo
  • CNC or ECC (1 original, 1 photocopy) depende sa dating assessment ng MENRO sa inyong negosyo

10. Para sa Sanitary Permit ng mga negosyo gaya ng pagkain, water refilling station, chicken & meat vendor, spa, beauty parlor, Hotel, Resort, at iba pang kauring negosyo:

  • Health Card ng mga empleyado, para makakuha nito dalhin ang mga sumusunod, (1 original, 1 photocopy):

    • Resulta ng Medical Laboratory Tests ng empleyado (gaya ng X-ray, Hepa-B screening, Urinalysis at Fecalysis)
    • NBI or Police Clearance ng empleyado
    • Cedula ng empleyado
    • 1x1 ID picture ng empleyado
  • Water Analysis Report para sa mga water refilling station

11. Authorization Letter or Board Resolution at valid government-issued ID ng may-ari ng negosyo at ng kanyang kinatawan kung hindi personal na makakapunta (1 original, photocopies of IDs)

Maaaring may mga karagdagang dokumento o requirements na hingin galing sa ibang opisina o ahensya depende sa uri at estado ng inyong Negosyo.

    * Magdala ng inyong sariling ballpen
    * Magsuot lagi ng Face Mask
    * Maghugas o mag-alcohol lagi ng kamay

Maraming Salamat po!

TAGS
ROSARIO HOTLINES

ROSARIO POLICE
ROSARIO MEDICAL
CLINIC
ROSARIO FIRESTATION
WEBSITE VISITORS

  • Today
  • Yesterday
  • This Week
  • This Month
  • 71
  • 141
  • 439
  • 1943
We use cookies to personalize content and to analyze our traffic. Please decide if you are willing to accept cookies from our website.