Huli sa akto ang pagtulong ng isang pulis sa isang matandang babae. Hirap maglakad ang matandang babae dahil paika-ika lang ito kung maglakad gamit ang kanyang foldable walkers.
Pauwi na sana ang matandang babae na nakilalang si Lola Gregoria Lontok ng Brgy. Silangan 1 upang sumakay ng tricycle nang makita ito ng pulis na nakilalang si PEMS Maria Felicar Isunza na nakatalaga sa Rosario MPS.
Dahan-dahan nya itong inakay at inalalayan hanggang sa makasakay sa tricycle.
Isa lamang ito sa mga eksenang madalas nating makita sa kalsada.
Subalit bibihira ang pumapansin sa kanila. Kaya naman sa ganitong pagkakataon, higit nating pasalamatan ang isang katulad niyang alagad ng kapulisan na may gintong kalooban at mahusay na ginagampanan ang tungkuling sinumpaan.
Samantala, pinasalamatan at hinangaan naman ni Mayor Voltaire V. Ricafrente ang ginawa ni PEMS Maria Felicar Isunza.
“Tunay ngang tayong mga taga-Rosario ay likas na matulungin...Sumasaludo po ako at ang buong mamamayan ng Rosario sa ginawa na ito ni Ma’am Isunza kay lola....” pagtatapos ni Mayor Ricafrente.
SALUDO PO KAMI SA'YO MA'AM!